Sunday, November 5, 2017

Not Now

You have the most comforting hug

Promise me we'll do it right in our next life

Find me, I will find you

Let's make it right

Let's be together, not now, but in the next life

Thursday, October 26, 2017

Dangkal

Isang dangkal na pagitan, tama na sa atin yan

Isang dangkal na pagitan, wag mo na akong lalapitan

Isang dangkal na pagitan, wag na natin ipagpilitan

Isang dangkal na pagitan, para wala na tayong masaktan

Wednesday, August 5, 2015

Tito Jokes

Nakakatawa ka
Ang hilig mong magpatawa

Dadalasan mo 'ka mo ang pagpapatawa mo
Araw-araw, hanggang sa maubos ang tawa ko

Pumayag ako para naman nalilibang ako

Di nagtagal naubos na ang mga jokes mo
At ako naman, nahulog na sa'yo

Tapos bigla ka na lang lumisan
'Kala ko biro lang, yun pala totohanan

Grabe, ang daya mo naman!

Ang sabi ko ubusin mo yung tawa ko
Pero huwag naman 'yung ganyan

Wednesday, July 22, 2015

Ang Unang Pahimakas

Ito ang unang pagkakataon na magpapaalam ako sayo
Dahil kahit kailan di ko naman ipinabatid na ako ay lalayo
Basta na lamang tumamlay
Napagod ang balikat ko at gustong mahimlay
Napagal ako dahil ang layo agad ng iniisip mo
‘Ka ‘ko ba’y maging masaya lang muna tayo
Sabi mo ikaw ay seryoso at hindi ka naglalaro
Sa tingin mo ba nung sinabi kong mahal kita, ako ay nagbibiro?
Gusto ko lamang ng magaan na pagsasama
Gusto mo naman na tayo agad-agad ay magsama
Gusto ko ng tahimik na buhay
Gusto mo tayong magkabahay

Sabi ko ang sarap tumakbo kasama mo
Sabi mo "Hindi, maglakad lang tayo"
Sabi mo bughaw ang kalangitan
Sabi ko “Hindi, pink yan”
Sabi ko ang ganda ng aking kasuotan
Sabi mo, “hindi, hubarin mo yan”
Hindi ako sa iyo no’n nagpaalam
Ayos lang siguro, ganoon ka rin naman
Basta na lamang nawala, lumayo
Hinayaang naggagala ang kanya-kanyang puso
Ito ang unang pagkakataong magpapaalam ako sa’yo
At umaasa ako na last ko na to